Pagyayabang ni Joma Sison sa Facebook na may presensya ang NPA sa 73 ng 81 lalawigan sa bansa, binalewala ng PA

Binalewala lang ng Philippine Army (PA) ang pagyayabang ni CPP founding Chair Jose Maria Sison sa Facebook na may presensya ang NPA sa 73 ng 81 lalawigan ng bansa.

Ayon kay Phil. Army Spokesperson Lt Col. Louie Villanueva, nakita din nila ang Facebook post ni Joma Sison ng mapa ng Pilipinas na kulay pula ang halos lahat ng bahagi.

Ayon sa post ni Sison, ang mga kulay pula sa mapa ay representasyon aniya ng mga lugar na may presensya ang NPA.

Sinabi ni Lt. Col. Villanueva, propaganda lang yun ng mga komunista para palabasin na malakas pa rin sila sa kabila ng mga nagsisuko sa kanilang hanay.

Sa totoo aniya ay wala namang maituturing na lehitimong area ang NPA na kontrolado nila.

Una ng iniulat ng militar na umabot na sa mahigit 4000 NPA regulars at mass-based supporters ang sumuko sa taong ito.

Batay sa trend ng pagsuko, inaasahan ng militar na malalagas ang kalahati ng buong pwersa ng NPA bago matapos ang taon. | via Leo Sarne