Pagtuturok ng COVID vaccine sa mga edad 17 hanggang one year old, nasa agenda na ng pamahalaan — vaccine czar Galvez

Tiniyak ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na bibili ang gobyerno ng bakunang para sa lower age bracket na nasa 17 to one year old.

Sa ginawang pag-uulat ni Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte ay inihayag nitong aabot sa 29 na milyon ang makakabilang sa nasabing age group na dapat makabilang sa vaccination program.

Kailangan ani Galvez na sumalang din ang naturang hanay sa pagbabakuna lalo’t ang target din naman ay maabot ang tinatawag na sizeable amount population na hindi pa nababakunahan.

Ginagawa na aniya ito sa ibang bansa gaya ng US at Canada.

Sa Canada ayon kay Galvez ay nagbabakuna na aniya ng dose-anyos pataas habang ang Estados Unidos naman ay nasa 16 to 12 years old.