Pagtutulungan ng lahat ng sangay ng pamahalaan, kailangan upang maresolba ang traffic – Malacañang

Iginiit ng Palasyo na kailangang magtulungan ang lahat ng sangay ng pamahalaan upang tuluyang maresolba ang traffic at pagsisikip sa Metro Manila.

Lumalabas kasi sa pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB) na ang Metro Manila ang pinaka-congested na siyudad sa buong Asya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ang dahilan kung bakit kailangang magtulungan ng lahat ng sektor at ahensya ng pamalaan. Hindi kasi aniyamaaari na iisang sangay lamang ng gobyerno ang gagalaw at tutungon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Sinabi rin ng kalihim na posibleng talakayin sa darating na cabinet meeting ang problema sa congestion sa Metro Manila.

Sa datos na inilabas ng ADB, ang Metro Manila ang pinaka-congested sa 278 siyudad sa Asya na isinailalim sa kanilang pag-aaral.