Pagtitiyak na matatanggap ng mga healthcare workers ang kanilang mga benepisyo, pinanawagan ni Sen. Bong Go

Umapela si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa mga concerned government agencies na tiyakin na matatanggap ng lahat ng mga healthcare workers ang mga benepisyo at serbisyong nararapat sa kanila. 

Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag na pondo para sa pamamahagi ng fourth batch ng kanilang COVID-19 special risk allowance (SRA). 

Giit ni Go, ang mga health personnel ang nasa front line sa laban kontra COVID-19 kaya naman hindi dapat mag-aksaya ng oras sa pagbibigay sa kanila ng kung ano ang nararapat nilang matanggap.

Una nang isinulong ng Senate Committee on Health chairman ang pagpapalawak ng pagbibigay ng SRA upang masakop na ang lahat ng mga nagtatrabaho sa mga ospital. 

Giit ng senador, dahil sa dami ng bilang ng COVID-19 cases na tinatanggap ng mga healthcare institutions ay maikokonsidera nang pasok sa kwalipikasyon ng pagbibigay ng SRA ang lahat ng mga healthcare workers.