Pagtatayo ng mega vaccination hub sa Nayong Pilipino, mapakikinabangan ng buong Metro Manila

Naniniwala si ParaƱaque City Mayor Edwin Olivarez na hindi lamang sila ang makikinabang sa itatayong COVID-19 mega vaccination facility sa Nayong Pilipino.

Ayon kay Olivarez, buong National Capital Region ang matutulungan sakaling matuloy na ang konstruksyon.

Isa rin aniya ito sa magiging daan para makamit ng bansa ang inaasam na herd immunity laban sa virus bago mag-Disyembre.

Sa ngayon ay mayroong isolation facility sa Nayong Pilipino na pinangangasiwaan ng Department of Health.

Dagdag pa ng alkalde, maididisenyo ang mega vaccination hub nang walang madadamay o puputuling puno ng ipil-ipil.

Una nang pumalag sa planong konstruksyon ang Nayong Pilipino Foundation dahil sa isyung legal, pangkalusugan at pangkalikasan na makakaapekto rin umano sa mga pasyenteng nasa 525-bed capacity quarantine facility.