Pagtatatag ng OFW council sa mga barangay, ipinapanukala

Inihain ni Bohol 3rd district Representative Alexie Tutor ang isang panukala kung saan nakapaloob ang pagtatatag ng isang OFW council sa mga baranggay.

Ayon kay Tutor, makatutulong ang OFW council sa mga baranggay upang matutukan din ang mga dependents o naiwan ng OFW.

Mas maigi aniya kung may malapit na matatakbuhan ang mga ito upang isangguni ang kanilang mga problema.

Paraan din ito upang maiwasan ang mga illegal recruitment na kadalasan ay nang-uudyok at nambibiktima ng kababayan natin na naghahanap ng trabaho.

Sa kanyang House Bill 4814, bukod sa pagtatatag ng Department of OFW, ipinapanukala rin ng mambabatas ang pagbuo sa Anti-Illegal Recruitment Authority; Overseas Land-Based Tripartite Consultative Council; Inter-Agency Coordinating Council on Migration and Development at Global Migration Institute.