Pagtalakay sa Bayanihan 3, posibleng isabay na rin sakaling aprubahan ang pagpapatawag ng special session

Posibleng isabay na ng Kongreso ang pag-apruba sa Bayanihan 3 sakaling matuloy ang pagpapatawag ng special session.

Ayon kay House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, sinabi na ni Finance Secretary Carlos Dominguez na mayroong hanggang P173 billion na maaaring gamiting pampondo sa Bayanihan 3.

Dahil dito, naniniwala si Salceda na maaaring mapagtibay na rin agad ang ikatlong Bayanihan law.

Sa Bayanihan 2 kasi, tanging ang section 1 na naglalaman ng effectivity date lamang ang papalitan.

Ito ay upang hindi masayang ang nasa P27 billion na unobligated at P36 billion unpaid funds sa ilalim ng Bayanihan 2, kung saan kasama ang para sa testing, contact tracing at ang service contracting program ng pamahalaan.

June 1 pa pinagtibay sa Kamara ang Bayanihan 3 habang hindi pa naman ito nasisimulang talakayain sa Senado