Pagtalaga sa bagong hepe ng CITF, mas mapapalakas ang internal cleansing program ng PNP — Albayalde

Mas mapapalakas ang internal cleansing program ng Philippine National Police sa pagtatalaga kay dating Bulacan Provincial Director PSSupt. Romeo Caramat Jr. bilang bagong hepe ng PNP-Counter Intelligence Task Force.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde matapos ianunsyo na si Caramat na ang mamumuno sa Counter Intelligence Task Force kasabay ng kanyang pag-upo bilang chief of staff ng intelligence group ng PNP.

Pinalitan ni Caramat si Senior Supt. Chiquito Malayo na nakatakdang ma-promote at ilipat sa ibang dibisyon.

Ayon kay Albayalde, si Caramat ang napisil nyang humawak ng CITF dahil sa karanasan nito at sa istilo nito ng pamumuno, bukod sa malaki raw ang tiwala nya dito dahil masipag itong magtrabaho.

Nakilala si Caramat dahil sa serye ng mga anti-drug operation sa Bulacan kung saan marami ang napatay at naaresto.

Nilinaw naman ni Albayalde na bilang hepe ng CITF, magpu-focus lang si Caramat sa internal cleansing ng PNP at hindi makikilahok sa mga anti-drug operations. | via Leo Sarne