Pagtalaga kay SSupt. Vicente Danao bilang MPD director, ipinagtanggol ng PNP Chief

Dumaan sa deliberasyon ng Philippine National Police (PNP) Oversight Committee ang pagkakatalaga kay SSupt. Vicente Danao bilang bagong director ng Manila Police District (MPD).

Ito ang binigyang-diin ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, kasabay ng pagsabi na “highly qualified” si Danao at dati pang kinukunsidera para maging District director.

Ayon sa PNP Chief, maaaring naging isa sa mga konsiderasyon ang kanyang karanasan bilang dating Chief of Police ng Davao, pero hindi ito ang tanging basehan.

Pinalitan ni Danao si dating MPD Director CSupt. Rolando Anduyan na inilipat naman bilang director ng Northern Police District (NPD).

Paliwanag ng PNP Chief, ang pagreretiro sa serbisyo ni CSupt. Gregorio Lim ng Northern Police District (NPD) sa November 14, 2018 ang naging sanhi ng reshuflle.  | ulat ni Leo Sarne