Pagtaas ng kaso ng mga namamatay na aktibista, pinalagan ng Palasyo

Pinalagan ng MalacaƱang ang pahayag ng international rights watchdog na Global Witness na tumaas ang kaso ng patayan sa hanay ng mga environmental activists at land defenders sa bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mas maiging siyasatin muna ang pagkamatay ng isang kaso at alamin kung ano ang kanyang mga adbokasiya.

Sinabi ni Panelo, na mali namang i-generalize na lamang at ipakahulugang basta pinapatay ng walang katuturan ang isang aktibista o land defender.

Base sa ulat ng Global Witness, nasa 113 na ang umano’y nasasawing mga environmental activists at land defenders magmula noong 2016.

Sabi ng Palasyo, hindi patas ang naturang ulat na pawang produkto ng generalization.