Pagtaas ng kaso ng HIV sa QC, ikinabahala na ng City gov’t

Nagpahayag ng pagkabahala ang Quezon City government sa pagtaas ng HIV cases sa unang pitong buwan ngayong taon.

Base sa ulat ng Quezon City Health Department, may kabuuang 505 bagong HIV cases ang kanilang naitala mula January hanggang July 2019, 486 sa mga ito ay mga lalaki at 19 ang babae.

Ayon kay Dr. Rolando Cruz, head ng Epidemiology and Surveillance Unit at STI/HIV program manager, noong buwan lamang ng July, may 77 bagong HIV cases ang naitala.

Bagamat mababa ang bilang ng mga kaso ngayong taon kumpara sa 509 cases noong nakalipas na taon.

Maaari pa ring daw malampasan ang 849 bagong kasong naitala noong nakalipas na taon bago matapos ang 2019.

Mula sa 505 bagong kaso, 321 dito ay nailipat sa pamamagitan ng pakikipagtalik ng lalaki sa lalaki, 116 naman sa pamamagitan ng pakipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki at babae at 61 sa male at female sex lamang.

Sabi pa ni Dr. Cruz ilang kadahilanan sa likod ng mataas na bilang ng bagong HIV cases ay ang tinatawag na high risky sexual behavior at hindi paggamit ng condom o protective behavior.

Upang matugunan ang tumataas na bilang ng HIV cases sa Quezon City, ilulunsad ng local government ang zero at 2030 campaign bukas sa lungsod.

Layon nito ng programa na makontrol ang pagkalat ng HIV sa pamamagitan ng
prevention, control at treatment.