Pagsusumite ng SALN ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan, extended

Naglabas ng Public Memorandum Circular ang Civil Service Commission o CSC para sa mga opisyales at empleyado ng gobyerno.

Sa virtual presser ni Inter Agency Task Force (IATF) Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, inihayag niya na ang memorandum circular ay may kinalaman sa pagpapalawig ng paghahain ng Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN ng mga nagtatrabaho sa pamahalaan.

Isinasaad sa memo circular ayon kay Nograles, na karagdagang 60 days ang ibibigay sa mga kinauukulan para maihain ang kanilang SALN.

Ang SALN ay taon-taong dapat na i- file ng isang opisyales ng pamahalaan o ng isang ordinaryong empleyado ng gobyerno.

Itinuturing na isang major offense ang hindi paghahain ng SALN, na maaaring ikatanggal pa nga sa government service ng mabibigong makapagsumite nito.