Pagsuko ng mas marami pang Maute-ISIS members, inaasahan pagkatapos ng unang anibersaryo ng Marawi siege — Col. Romeo Brawner

Inaasahan ng militar na mas marami pang mga miyembro ng Maute-ISIS ang susuko sa mga darating na araw matapos ang paggunita ng unang anibersaryo ng Marawi siege.

Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, ito’y kasunod ng pagsuko ng asawa’t anak ni Otto Maute.

Paliwanag ni Brawner, si Otto ang panganay sa magkakapatid na Maute at ang pagsuko ng kanyang asawa’t anak ang nag-engganyo sa iba pang mga nagtatagong miyembro na sumuko na rin.

Mayroon na aniyang kabuuang 27 Maute-ISIS members ang sumuko at may ongoing negotiations para sa pagsuko ng iba pang mga miyembro ng grupong nasa likod ng madugong limang buwang Marawi siege.

Tiniyak naman ni Brawner ang kaligtasan ng Maute-ISIS members na nagbabalak sumuko na nag-aalala sa kanilang seguridad. | via Leo Sarne