Pagsigla ng industriya ng sapatos, inaasahan – Marikina City Mayor Teodoro

Tiwala si Marikina Mayor Marcy Teodoro na muling sisigla pa ang industriya ng sapatos sa bansa.

Kasunod ito ng pagbukas ng Marikina Shoe Trade Fair sa Davao City, kasabay ng selebrasyon ng 2019 Kadayawan Festival.

Ang shoe store ay kauna-unahang sangay na binuksan sa Pasalubong Center sa Barangay 34-D ng lungsod.

Pagtiyak ni Teodoro, high quality shoes na gawa pa ng mga ipinagmamalaking shoemakers sa Marikina ang dinala at ibinebenta sa trade fair.

Kaugnay nito, hinimok din ng alkalde ang Davao City, na magbukas din ng tindahan sa Marikina para sa kanilang local products.

Si Marikina Mayor Teodoro at Acting Davao City Mayor Sebastian Duterte, ang nagbukas ng shoe trade fair kasama ang mga miyembro ng Philippine Footwear Federation, Inc.