Pagsibak ng Pangulo sa 2 opisyal ng pamahalaan, babala na tuloy ang kampanya ng administrasyon kontra korap

Hindi lumalambot ang kampanya ng pamahalaan kontra sa mga korap.

Ito ang mensaheng nais ipabatid ng MalacaƱang kasunod ng pagsibak kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte kina Usec. Ronald Flores at Asec. Yeshter Donn Baccay dahil umano sa iregularidad.

Sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, patunay ang naging desisyon ng Pangulo na walang sini-sino ang administrasyon sa hanay ng mga opisyal ng gobyerno sa gitna ng mataas na standard ng administrasyon sa paghahatid ng serbisyo publiko.

Sa kabilang dako, pinuri ng Palasyo si dating Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza dahil sa pag-ako ng responsibilidad at paghingi ng paumanhin dahil sa kapalpakan ng dalawa niyang tauhan.

Ang pagbibitiw raw ni Dureza dagdag ni Panelo ay isang magandang halimbawa ng pagpapakita ng delicadeza at leadership by example.

Pagpapasalamat rin ang ipinaabot ng Palasyo sa serbisyong ibinigay ni Dureza sa pagsulong ng kapayapaaan para sa bansa at sa mga Pilipino. | ulat ni Alvin Baltazar