Pagsasampa ng kaso ni Andaya kay Sec. Diokno, kulang sa common sense – Palasyo

Mistulang hindi napag-isipan ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. ang plano nitong pagsasampa ng kaukulang asunto kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno.

Ito ang buwelta ng Malacañang sa mambabatas sa banta nitong maghahain ng kaso ng mandamus sa Korte Suprema laban sa Budget chief.

Ito ay kaugnay umano ng kabiguan ni Diokno, na makapagpatupad ng panibagong salary increase sa mga kawani ng pamahalaan sa ilalim ng 4th tranche ng Salary Standardization Law (SSL).

Pero paalala ng Malacañang sa kongresista, kukunin ang ika-apat na batch ng SSL sa 2019 budget na hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapasa ng kongreso.

Logical lang wika ni Panelo, na sadyang walang pondo dahil ang ginagamit ngayon ng bansa ay re-enacted budget o pondo pa ng 2018.

Sa harap nito’y malaya at wala namang pipigil kay Andaya para ihain nito ang reklamo kay Diokno sa Korte suprema. | ulat ni Alvin Baltazar