Pagsasailalim sa home quarantine ng isang tinamaan ng Delta variant, di dapat — isang Molecular biologist

Mas mahigpit na mobility restrictions, dapat nang paghandaan sa quarantine facility at hindi dapat sa bahay gawin ang pag-quarantine sa isang indibidwal na hinihinalang tinamaan ng Delta variant.

Ito ang inihayag ni Molecular biologist Doctor/Reverend Nicanor Austriaco sa gitna ng presensiya na ng Delta virus sa bansa.

Sinabi ni Austriaco na dapat alalahanin na napakataas ng reproduction number ng Delta variant kaya’t napakalaki ng tsansa na makuha ng kasama sa bahay ng sinomang tinamaan nito ay kapitan din ng virus.

Dagdag ni Austriaco na kailangan na ding magkaroon ng paghahanda para mas paigtingin pa ang mobility restriction gaya ng ginawa sa Sydney, Australia na naging maagap sa pagkontrol ng pagkalat ng Delta virus.

Agad aniyang nagpatupad ang Sydney ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) at naagapan ang Delta explosion na nangyayari sa sitwasyon sa Indonesia at Thailand.