Pagsasagawa ng auditing ng COA sa NFA, pabor sa NFA Council

Pabor ang NFA Council na magkaroon ng special audit ang Commission on Audit (COA) sa National Food Authority (NFA).

Ito ay partikular sa aspeto ng procurement at distribution operations ng ahensiya.

Ayon kay Assistant Secretary Jonas George Mariano ng Office of the Cabinet Secretary, malalaman sa COA audit kung ano ang mga dapat na ibawas sa proseso ng procurement ng tanggapan at matutukoy din naman sa kabilang banda kung ano ang dapat na palakasin ng NFA.

Sinabi ni Asec. Mariano na mas maigi ngang maisagawa ang auditing kada tatlong buwan.

Nanindigan din si Mariano na walang kakapusan ng bigas sa bansa sa kabila ng nakatakdang pag-angkat ng pamahalaan ng 250 libong metro toneladang bigas. | via Alvin Baltazar