Pagsang-ayon ng isang Arsobispo sa Martial Law sa Mindanao, katunayan na maganda ang epekto nito

Mismong mga taga-simbahang Katolika, ramdam ang positibong epekto ng Martial Law extension sa Mindanao.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kasunod ng naging pahayag ni Ozamis Archbishop Martin Jumo-ad na hindi siya kontra sa muling pagpapalawig ng Martial law sa Mindanao sa susunod na taon.

Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, malaki ang posibilidad na nakikita ng arsobispo ang resulta ng batas militar na nakabubuti para sa peace and order situation sa rehiyon.

Sa katunayan aniya, may mga paring tumutuligsa sa Martial law sa Mindanao, subalit taliwas ito sa nasaksihan at paniniwala ni Jumo-ad.

Isa ang pahayag na ito ng arsobispo ng Ozamis, na dapat pinakikinggan ng gobyerno hinggil sa muling pagpapatupad ng Martial law sa rehiyon sa 2019.

Matatandaang, sa katapusan ng taon magtatapos ang effectivity ng implementasyon ng batas militar sa Mindanao. | ulat ni Alvin Baltazar