Pagsama sa A1 priority group ng hotel at iba pang quarantine facilities employees, pinuri ni Sen. Binay

Pinuri ni Senator Nancy Binay ang hakbang ng Inter Agency Task Force (IATF), na isama sa A1 priority group ng COVID-19 vaccination program ang mga empleyado ng mga hotel, na nagsisilbi ngayong mga quarantine o isolation facilities.

Ayon kay Binay, tama ang desisyon ng IATF lalo at palaging nasa panganib ang buhay ng mga nagtatrabaho sa mga hotel, at iba pang quarantine facilities dahil sa exposure sa virus.

Umaasa rin ang mambabatas, na masisimulan na sa lalong madaling panahon at sa tamang schedule ang pagbabakuna sa mga nasa A4 priority group.

Aniya, hindi lang ang tourism industry ang nakasalalay sa agarang bakuna kung hindi lahat ng industriya sa bansa.

Kasabay nito, nanawagan rin si Binay sa tourism leaders na tumulong sa pagtugon sa vaccine hesitancy ng ilang Pilipino, sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang kakayahan sa marketing at communications.