Pagresponde sa chemical attack, pagsasanayan sa Balikatan 2018

Magsasanay sa Balikatan 2018 ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang kanilang United States of America (USA) counterpart sa pagresponde sa chemical attack.

Ayon kay Balikatan Public Affairs Director Lt. Liezl Vidallon, kaiba sa mga naunang joint military exercises, kasama na ngayon ang man-made calamities tulad ng chemical attack sa mga scenario na pagsasanayan ng mga sundalo.

Inihayag ito ng opisyal matapos na pormal na inilunsad ang ika- 34 Balikatan exercises ngayong araw na ito.

Kasama sa pagsasanay ng mga sundalo ang counter-terrorism exercises, at humanitarian assistance and disaster response.

Ayon pa kay Villadon, makikibahagi rin ang Japan at Australia sa major events ng Balikatan.

Tatagal ang Balikatan exercise hanggang May 18 at gaganapin sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Tinataya namang nasa limang libong (5,000) sundalo mula sa Pilipinas at tatlong libo (3,000) mula sa Estados Unidos ang makikibahagi sa Balikatan 2018. | via Leo Sarne