Pagputok ng Mt. Pinatubo noong June 1991, inaalaala ng PHIVOLCS; Bulkan muling nagparamdam ng mga pagyanig

Kasabay ng paggunita sa ika-30 taong pagputok ng Bulkang Pinatubo sa Zambales noong June 15, 1991, may ilang linggo na ring nagparamdam ito ng mga pagyanig.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ng 24 na volcanic earthquake ang Pinatubo Volcano.

Nangangahulugan ito na may low-level unrest na maaaring dulot ng tectonic na kaganapan sa loob ng bulkan.

Sa kabila nito walang nakitaang palatandaan ang PHIVOLCS na may napipintong pagputok ang bulkan sa hinaharap.

Gayunman, pinapayuhan ang publiko na mag ingat pa rin sa pagpasok sa Pinatubo crater area at kung maaari ay iwasan na lamang.

Hanggang ngayon nanatiling nakataas ang Alert Level 1 status sa bulkan.