Pagpresenta ng negative RT-PCR test result papasok ng North Cotabato, itinigil na

Hindi na kailangan ang pagpresenta ng negative RT-PCR test result papasok ng probinsiya ng Cotabato.

Sa ipinalabas na bagong Executive Order ni Cotabato Governor Nancy Catamco kaugnay sa pagsasailalim ng probinsiya sa General Community Quarantine status, may mga pagbabago sa mga alituntunin na ipinapatupad.

Batay sa EO 31, hindi na kailangan ang pagpresenta ng RT-PCR test result at complete COVID-19 vaccination record sa mga border control points.

Subalit nilinaw dito na kung makitaan ng COVID-19 related symptoms sa point of destination, isasailalim sa health protocol standards ang indibidwal.

Tinanggal na rin ang ‘No Sunday Movement’ subalit hinimok ang public at private establishments na magsagawa ng decontamination activity tuwing araw ng linggo.