Pagpepenitensiya ng mga bilanggo sa loob ng mga jail facilities, hindi papayagan ng BJMP

Hindi papayagan ng Bureau of Jail Management and Penology na saktan ng mga bilanggo ang kanilang sarili bilang pagpepenitensiya ngayong Mahal na Araw.

Sinabi ni BJMP Spokesperson Senior Inspector  Xavier Solda, taon-taon naman kapag sumapit ang Semana Santa pinapayagan nila ang mga religious activities sa mga bilangguan.

Tulad halimbawa ng pabasa, panalangin at pag-aalay ng Banal na Misa pero hindi pinapayagan na saktan ang sarili bilang pagpepenitensiya.

Aniya, may kahirapan na nga sa loob ng bilangguan, baka ma-inpeksyon pa o mapasukan ng mikrobyo ang nilikhang sugat at lalong magkasakit ang inmates.

Dahil inaasahan na ang dagsa ng dalaw ng mga kaanak sa loob ng bilangguan, gagawa ng mga hakbang ang BJMP para hindi ito magsabay-sabay para hindi magsisikip dito.  | via Rey Ferrer