Pagpatay sa isang mamamahayag kaninang madaling araw sa Albay, mariing kinundena ng MalacaƱang

Mariing kinundena ng Palasyo ang panibagong kaso ng pagpatay sa mamamahayag na si Joey Llana ng Daraga, Albay kaninang madaling araw.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, malinaw aniya na isa na naman itong paglabag sa karapatang pantao at freedom of the press.

Sa kabilang dako’y nagpaabot naman ng pakikiramay si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa mga naulila ni Llana.

Sinabi ni Andanar na kasabay ng pagkundena ay ang pagtiyak na kumikilos na ang Presidential Task Force for Media Security (PTFoMS) para alalayan ang pamilya at tutukan ang imbestigasyon ng nasabing kaso

Ginarantiya ni Andanar na gaya ng misyon ng PTFoMS na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte, gagawin aniya nito ang lahat para makamit ng pamilya ang hustisya sa krimen na ito.

Mahigpit ayon sa PCOO chief ang ugnayan ngayon ng Philippine National Police (PNP) at ng PTFoMS para mabilis na maresolba ang kaso. | ulat ni Alvin Baltazar