Pagpatay sa 9 na magsasaka sa Sagay, bahagi ng “Red October”ouster plot – AFP

Bahagi ng “Red October ouster plot” ang naganap na pagpatay sa 9 na magsasaka sa Sagay, Negros Occidental.

Ito ang paniniwala ni Armed Forces fo the Philippines (AFP) Chief of Staff General Carlito Galvez, na nagsabing bahagi ng isang ‘sinister plot’ ang pagpatay sa mga magsasaka sa layong gumawa ng gulo at pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay Galvez, kumbinsido sila ni Western Visayas Regional Director Chief John Bulalacao, na ang New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng pamamaslang.

Dagdag pa ng opisyal, lahat ng mga sinabi nila na mangyayari noong September 20 kaugnay sa “Red October” ay nangyari na ngayon.

Kahapon, nagsagawa ng inspekyon ang AFP at PNP sa mismomg lugar kung saan pinatay ang mga magsasaka.

Dito kanilang sinabi na, may mga nakausap silang testigo na kilala mismo ang mga suspek sa krimen pero hindi na nagbigay pa ng karadagdagang detalye ang mga otoridad dahil gumugulong pa ang imbestigasyon. | ulat ni Leo Sarne