Pagpatay kay Tanauan Mayor Tony Halili, kinondena ng Palasyo

Nagpaabot ng pakikidalamhati ang Palasyo sa pamilya ni Tanauan Batangas Mayor Antonio Halili na pinaslang kaninang umaga habang dumadalo sa flag raising ceremony.

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malaking kawalan ang napatay na alkalde sa kampanya ng pamahalaan kontra kriminalidad at iligal na droga.

Tiniyak naman ni Roque na ibibigay ng pamahalaan ang katarungan sa pinaslang na alklade ng Tanauan.

Tumanggi naman si Roque na magbigay pa ng pahayag kaugnay ng pagkakasama ni Halili sa narco list na una nang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang dapat aniyang gawin ngayon ay ang makiramay sa mga naiwan ng alkalde at sa mga taga-Tanauan, Batangas.

Nobyembre 2017 ng pangalanan ni Pangulong Duterte si Mayor Halili bilang isa sa mga bumubuo ng hawak niyang listahan ng mga nasa loka na pamahalaan na dawit sa iligal na droga. | ulat ni Alvin Baltazar

Photo courtesy: Antonio Halili FB