Pagpataw ng parusa sa brgy. officials na bigong maipatupad ang mga batas, sinuportahan

Suportado ni Anakalusugan party list Representative Mike Defensor ang panawagan ni Manila Mayor Isko Moreno na gumawa ng batas na magpapanagot sa mga baranggay officials na hindi tamang naipatutupad ang mga batas.

Partikular na tinutukoy dito ng opisyal ay ang mga baranggay official na matapos magsagawa ng clearing operations ay pinababalik din ang mga pinaalis na obstruction sa daan.