Pagpasok ng isang international financial offshore company sa CEZA, lilikha ng maraming trabaho sa bansa

Sa isinagawang launching ng Lianett Technology Ltd., isang international financial company, sinabi ni Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) Director Raul Lambino na makasaysayan ang pagpasok sa bansa ng major player sa larangan ng cryptocurrency.

Bukod aniya sa lilikhaing 25,000 trabaho, magpapayabong din ito sa lokal na ekonomiya ng Northern Luzon at sa kabuuan ng bansa.

Ang bagong currency technology gaya ng Blackchain Technology Company ay pinaniniwalaang nagpataas ng ekonomiya ng Japan matapos silang magkaroon ng ‘economic imbalances’ na naranasan nito sa nakalipas na panahon.

Napiling pumasok sa Pilipinas ng 17 sa 36 na investors dahil sa istratehikong lugar nito sa ASEAN region.  | ulat ni Rey Ferrer