Pagpasok ng foreign investors sa bansa, hindi magiging kumpitensya sa MSMEs ayon sa CORE

Binigyang diin ni Center for Strategy, Enterprise, and Intelligence (CenSEI) Executive Director Gary Olivar na walang dapat ipangamba ang MSMEs sa pagpasok ng foreign investors oras na maamyendahan ang restrictive economic provisions ng Saligang Batas.

Sa CORE Forum na isinagawa, sinabi ni Olivar na imbes na kakumpitensya ay magiging partners o katuwang pa nga ng ating MSMEs ang mga papasok na foreign investment.

Inihalimbawa ni Olivar na kung magtatayo ng extension o branch ang isang foreign school sa Pilipinas ay kukuha ito ng Filipino contractors para sa pagpapatayo ng school building, mga Pilipinong guro na magtuturo at maging sa paglilimbag ng mga libro o modules na gagamitin.

“Dapat patingkarin yung katotohanan na ang pagpasok ng mga foreign investors ay makatutulnog sapagkat may dala silang mga negosyo para sa mga MSME natin. Nang sagayon ay hindi habang buhay na umaasa sa ayuda ang ating mga MSME.” ani Olivar.