Pagpapauwi sa mga labi ng mga nasawing OFW sa bumagsak na tulay sa Taiwan, pinoproseso na ng DOLE

Inihayag ng pamahalan na inihahanda na nila ang pagpapauwi ng labi ng dalawang overseas Filipino workers (OFW) na namatay matapos bumagsak ang tulay sa Nanfang ao sa Yilan County sa Taiwan.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), aktibong miyembro ng Overseas Workers Welfare Administraion (OWWA) ang nasawing OFW si George Jagmis Impang habang hindi aktibong myembro ng OWWA noon pang taong 2017 ang biktimang si Andree Abregana Serencio kaya hindi na ito entitled o mabibigyan ng insurance benefits bilang OFW sa OWWA.

Titiyakin ng DOLE ang repatriation ng mga labi ng mga OFW at ang pagproseso sa lahat ng benepisyong ng mga ito matapos ang aksidente.

Matatandaang kinumpirma kanina ng mga awtoridad ang pagkasawi nina Serecio at Impang habng kasalukuyan pa ring inasagawa ang search and rescue operation sa mangingisdang si Romulo Escaslicas Jr.

Naipalaam na rin ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa mga kaanak ng mga biktima ang sinapit nila sa Taiwan.