Pagpapatupad ng martial law sa labas ng Mindanao, hindi kailangan – Palasyo

Walang nakikita ang Palasyo ng Malacañang ng pangangailangang palawigin ang martial law sa labas ng Mindanao region.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wala namang indikasyon ng spill over kasunod ng nangyaring pambobomba sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Sinabi ni Panelo na malaking tulong ang ipinaiiral ngayong total lockdown sa area na una nang ipinag-utos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Panawagan pa ni Panelo sa publiko, na gawin lang ang kanilang normal na aktibidad gayung nakahanda ang buong puwersa ng pamahalaan para matiyak ang seguridad ng mamamayan.

Ligtas aniya ang buong bansa, at nakahanda ang pamahalaan sa anumang mangyayari at pigilan ang anumang uri pa ng pagtatangka.   | ulat ni Alvin Baltazar