Pagpapatupad ng BBL, magiging hamon sa AFP – AFP Chief

Naniniwala si Armed Forces of the Philippines Chief Gen. Carlito Galvez Jr. na ang Bangsmoro Basic Law o BBL ay magiging isang malaking hamon sa AFP.

Ito ang inihayag ng AFP chief matapos makapasa sa third and final reading ang BBL sa Kongreso.

Ayon kay Galvez sa sandaling maipatupad na ang BBL, magkakaroon ng pagbabago sa pagpapatupad ng seguridad ng AFP at PNP sa Bangsamoro Autonomous Region na papalit sa ARMM.

Ito aniya ay dahil sa ipatutupad na military reorganization sa mga lugar na isasailalim sa BBL sa pagbuo ng joint peace and security teams.

Naniniwala naman ang heneral na ito ay magreresulta sa “more cooperative engagement” ng militar sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa kabila nito, tiniyak ni Galvez na kontrolado pa rin ng AFP leadership ang mga sundalong madidestino sa Bangsamoro region. | ulat ni Leo Sarne