Pagpapalit ng pamahalaan tungo sa pederalismo, walang negatibong epekto sa ekonomiya – Palasyo

Pinawi ng Palasyo ang anumang pangamba sa posibleng epekto ng pederalismo sa ekonomiya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, walang idudulot na masamang epekto sa ekonomiya ang pagpapalit sa porma ng pamamahala sa bansa.
Natalakay daw  sa kanila ito ni National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Ernesto Pernia at mananatiling ganoon pa rin ang budget gayung ang mga identified national project ay ilalagak sa Internal Revenue Allotment o IRA ng bawat lokal na pamahalaan.
Kabilang dito ang barangay maintenance road and bridge projects, water supply services, health centers, solid waste system at iba pa.
Sa kabilang dako, ang pokus naman ng national government ay mananatiling nakatuon sa ‘Build, Build, Build’ project gayundin sa aspeto ng policy-making.  | ulat ni Alvin Baltazar