Pagpapalaya sa 2 sundalo at 12 miyembro ng CAFGU na dinukot ng NPA sa Agusan del Sur, patuloy na sinisikap ng pamahalaan

Nagpapatuloy ang pakikipagnegosasyon sa kasalukuyan ng ilang indibidwal at ng isang obispo, para sa posibilidad na mapalaya mula sa New People’s Army (NPA) ang dalawang sundalo at 12 miyembro ng CAFGU, na dinukot kamakailan sa Agusan del Sur.

Sa pulong balitaan sa MalacaƱang, sinabi ni Silvestre Bello III na siya ring nagsisilbing government chief negotiator, na may obispong humingi ng tulong sa kanya.

Pero ayon sa kalihim, wala aniya sa kanyang mandato ang pagiging tulay sa ganitong uri ng negosasyon sa grupo ng makakaliwa dahil limitado aniya ang tungkulin niya sa peace negotiation, na ngayon ay pansamantalang nakasuspindi.

Kaya ayon sa kalihim, mas mabuting idulog ang usapin sa ibang concerned government agency na may kakayahan at mandato sa ganitong uri ng pakikipag-usap sa New People’s Army (NPA), para mapalaya ang mga bihag.

Naganap ang pagdukot nitong nakalipas na Disyembre 19 nang atakihin ng NPA ang New Tubigon Patrol base sa Sibagat, Agusan del Sur, dakong alas-3 ng madaling araw. | ulat ni Alvin Baltazar