Pagpapalawig ng MECQ hanggang sa katapusan ng buwan, iminungkahi ni Sen. Gatchalian

Iminumungkahi ni Senator Sherwin Gatchalian, na palawigin pa ang modifed enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at kalapit pang mga probinsya, upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 Indian variant.

Sa isang panayam, sinabi ni Gatchalian, na ang inisyal niyang opinyon ay dapat ibalik na sa general community quarantine (GCQ) ang NCR Plus bubble, kasunod ng pagbagal ng ekonomiya ng bansa…

Pero nag iba aniya ang posisyon ng senator, matapos makumpirma na nakapasok sa Pilipinas ang Indian variant ng COVID-19.

Pinunto ng senator, na gaya ng ating karanasan noong Ferbruary at March, ang ganitong mga variant ang mas nakapagpapabilis ng hawaan sa mga komunidad.

Kaya mainam aniyang palawigin na lang ang MECQ hanggang sa katapusan, hanggang makontrol at mapigil natin ang double variant na ito.

Tinukoy pa ng mambabatas, na epektibo ang ipinapatupad ngayong modified version ng MECQ, kung saan pinagbabawal pa rin ang mga dine-in at group gatherings.