Pagpapakamatay ng isang graduating student sa isang state university sa Pampanga, iimbestigahan na ng CHED

Iimbestigahan na ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagkamatay ng isang engineering student ng Don Honorio Ventura Technological State University (DHVTSU) sa Pampanga.

Sa isang statement na inilabas ni CHED Commissioner Ronald Adamat, nais nitong malaman kung may pananagutan ang state university sa pagkamatay ng 27-anyos na si Kenneth Masa Ramos, noong Abril 4 ng taong kasalukuyan.

Nagkasundo ang CHED at DHVT State University Board of Regents, na magpulong bukas para bumuo ng investigative committee na tututok sa kaso.

Base sa ulat, nagpatiwakal ang estudyante dahil sa kabiguang makagraduate ngayong taon.

Una nang nilinaw ng eskuwelahan, na ang pagpapatiwakal ng estudyante ay bunsod ng hindi pagkasama ng kanyang pangalan sa mga magtatapos ngayong taon, dahil hindi naipasa ang pitong subjects.

Binigyan na nila ng humanitarian considerations ang estudyante, para maayos nito ang mga bagsak na grado, pero hindi daw nito nagawa ang mga requirements bago ang pagtatapos. | via Rey Ferrer