Pagpapaigting ng police visibility sa mga paaralan, di solusyon para mahinto ang recruitment ng makakaliwang grupo – Palasyo

Duda ang Palasyo na mahihinto ang ginagawang recruitment ng mga komunistang grupo kung mas paiigtingin ang police visibility sa mga paaralan at mga campus.

Ito ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo ay dahil karaniwang patago ang paraan ng ginagawang recruitment ng mga makakaliwang grupo.

Matatandaan na isinusulong ni Senator Bato dela Rosa ang pagkakaroon ng pinaigting na police visibility sa mga paaralan at campuses dahil sa umano’y pag-igting ng recruitment efforts ng mga makakaliwang grupo

Ayon kay Panelo, ang police visibility ay makakatukong sa paglaban sa mga krimen sa loob ng campus ngunit hindi sa recruitment.

Hindi rin naman kasi aniya nangangahulugan na sa mga paaralan ginaganap ang pagre- recruit ng mga grupong ito.

Pinapayuhan ng Palasyo ang mga magulang na sabihan ang kanilang mga anak na hindi dapat sumasali sa mga ganitong organisasyon, at ipaliwanag na luma na ang ideyolohiyang sinusunod ng mga ito.