Pagpapahintulot sa paglabas ng fully vaccinated seniors, suportado ng isang mambabatas

Welcome para kay Senior Citizen Partylist Representative Rodolfo Ordanes, ang bagong Inter Agency Task Force (IATF) resolution, na nagpapahintulot sa mga fully vaccinated senior citizen na makalabas ng bahay.

Aniya, matagal ng hinihintay ng mga nakatatanda ang naturang desisyon, at tiyak na mas maraming senior ang mahihimok na magpabakuna dahil dito.

Bunsod naman nito, hiniling ni Ordanes sa IATF, na agad abisuhan ang mga local government unit lalo na ang mga barangay.

Ito ay para hindi aniya magkaroon ng kalituhan sa mga protocol para hindi naman maipit ang publiko.

Hinimok din niya ang mga barangay, na mamahagi ng libreng face mask at face shiels sa mga senior, upang matiyak na patuloy na nasusunod ang minimum safety protocols.

Paalala din nito sa mga tanod at nagbabantay, na maayos na pagsabihan ang mga indibidwal na hindi maayos ang pagsuot sa face mask at face shiled.

Batay sa IATF resolution, ang mga fully vaccinated senior sa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ areas ay pinapayagan ng makalabas, basta susunod lang sa minimum health protocols at dala ang kanilang vaccination cards na patunay na sila ay fully-vaccinated na.