Pagpapaganda ng mga paliparan, magpapalakas ng industriya ng turismo sa bansa

Umaasa ang Pangulong Rodrigo Duterte na makahihikayat pa ng mas maraming turista ang mga nakamit na accomplishment at mga ginagawang inisyatibo ng pamahalaan para maging maayos ang serbisyo ng airlines at paliparan sa buong bansa.
Ayon sa Pangulong Duterte, dahil sa mga magandang pagbabago na nangyayari sa mga paliparan, kumpiyansa siyang tataas pa ang kita ng tourism industry sa Pilipinas.
Ipinaalala naman ng Chief Executive na ang airlines at paliparan ang nagsisilbing pintuan upang makita ng mga turista ang mga magagandang kultura at tourist destination sa bansa.
Dagdag ng Pangulo, ¬†puno ng kapana-panabik na mga oportunidad ang sektor ng turismo na hindi lamang nagpapakita ng kagandahan ng ating ‘heritage’ kundi instrumento rin para sa pag-angat ng pamumuhay ng bawat Pilipino.¬† | ulat ni Alvin Baltazar