Pagpapagamit ng quarantine passes sa publiko, nakadepende sa mga LGUs, ayon sa Palasyo

Nakadepende pa rin sa mga local government units (LGUs) kung ire-require parin nila sa kanilang mga nasasakupan sa paggamit ng quarantine passes tuwing lalabas ng kanilang tahanan.

Ito ang sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, kasunod na rin ng pagluwag sa age group na pinapayagan nang makalabas ng bahay.

Sa press briefing sa MalacaƱang, inihalimbawa ni GM Garcia ang Pateros kung saan umiiral pa rin ang paggamit ng quarantine passes, lalo’t mayroong mga localized lockdown sa lugar.

Matatandaan na una nang sinabi ni Metro Manila Council Chair, ParaƱaque Mayor Edwin Olivarez na hindi na kailangan pa ng quarantine pass sa Metro Manila. Gayunpaman, kung mayroong localized lockdown at kung mayroong ordinansa sa isang lungsod na nangangailangan ng quarantine pass tuwing lalabas ng bahay ay kinakailangan parin mag-comply.