Pagpapadali sa proseso ng vaccine administration, inaaral na ng pamahalaan

Inaaral na ng pamahalaan kung paano mas padadaliin ang vaccine administration ng bansa.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., bahagi ito ng rekomendasyon ng Israeli experts na nasa bansa.

Isa kasi sa mga hamon na tinukoy ng mga eksperto ay ang magkakaibang bakuna na gamit ng Pilipinas.

Dahil dito kailangan maghanda ng mga LGU ng ultracold storage facilities.

Ngunit sinabi aniya ng mga eksperto na mag-aanunsyo ang Pfizer na maaaring 228 freezer na ang gamitin para sa storage ng naturang bakuna, kaya’t hindi na kailangan bumili ang mga LGU ng negative 80 at 20 freezers.

Dagdag na rekomenadsyon din ng Israeli experts ayon kay Galvez, ang centralized databased ng vaccine distribution para sa mas madaling monitoring ng mga lugar at indibidwal na nakatanggap na ng bakuna.