Pagpapabilang ng WHO sa Sinopharm COVID vaccines sa EUL nito, welcome sa Malacañang

Welcome sa Malacañang ang hakbang ng World Health Organization (WHO), na ipabilang ang Sinopharm COVID-19 vaccine sa Emergency Use Listing (EUL) nito.

Ibig sabihin, aprubado na ng WHO ang pagiging ligtas at mabisa ng Sinopharm vaccines.

Nangangahulugan rin ito, na maaari nang makibahagi ang Sinopharm sa COVAX facility, na magbibigay naman ng access sa mga mahihirap na bansa sa COVID vaccines.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang development na ito ay magpapatibay lamang sa diversified vaccine portfolio ng Pilipinas, kasabay ng pagpapaigting ng pamahalaan sa pagkakaroon ng access sa mga ligtas at epektibong bakuna.

“This development would strengthen our diversified vaccine portfolio as we continue to work on improving access to safe and effective vaccines, including Sinopharm.” —Secretary Roque.

Ayon sa kalihim, sa kasalukuyan ay nasa higit 7.5 million doses na ng COVID-19 vaccines ang hawak ng Pilipinas.

Sa mga susunod na buwan, inaasahan na rin aniya ang pagdating sa bansa ng mas malaking volume ng mga bakuna. Dahil dito, bibilis pa aniya ang paggulong COVID-19 vaccination program ng bansa.

“To date, we have received more than 7.5-M anti-COVID 19 vaccines, and with the arrival of the bulk of our vaccine orders in the coming months, we are confident that we would be able to speed up our coronavirus vaccination program.” —Secretary Roque.