Pagbabakuna sa mga miyembro ng AFP na kabilang sa A4 category, sinimulan na ngayong araw

Sinimulan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapabakuna sa kanilang hanay na kabilang sa A4 category.

Nasa 500 miyembro ng AFP ang mababakunahan ngayong araw bilang bahagi ng pagpapatuloy ng vaccination program ng Sandatahang Lakas.

Kada enlisted personnel ay nagparehistro muna sa sariling data base ng AFP na Ipass.

Oras na maberipika ang registration ay isasailalim naman sa vital signs screening tulad ng pagkuha ng blood pressure.

Sinovac vaccine ang bakuna na inilaan ngayong araw.