Pagluwag ng supply ng bakuna, mararamdaman sa July -Malacañan

Kumpiyansa ang Malacañan na pagsapit ng buwan ng Hulyo ay mararamdaman na ang kaluwagan sa supply ng bakuna hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na sa iba pang mga bansa na nangangailangan ng COVID-19 vaccine.

Paliwanag ni Presidential spokesperson Harry Roque, pagdating kasi ng July ay tapos ng magbakuna ang Amerika.

Iyon aniya ang target na panahon ng Estados Unidos na makamit nila ang tinatawag na independence from coronavirus.

Sa sandali aniyang mangyari ito sabi ni Roque, bubuksan na sa merkado ng Amerika ang mga ginawa nilang COVID vaccine gaya ng Pfizer at Moderna.

Sa ngayon kasi ay inilalaan muna ng US ang sarili nilang gawang bakuna para sa kanilang mamamayan bago mag- supply sa ibang mga bansa gaya ng Pilipinas.