Paglutas sa food security at kahirapan, dapat prayoridad ng mga senatorial candidates – KMP

Dapat seryoso ang mga kandidato sa pagka-senador na resolbahin ang problema ng kahirapan at ang usapin sa food security sa bansa.

Ayon kay Antonio Flores, secretary general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, sa dami nang kandidato na naghain ng kanilang Certificates of Candidacy (COC) sa Comelec, wala pa rin daw sa kanila ang may malinaw na plataporma na tutugon sa mga pangunahing problema sa bansa.

Base sa survey, mahigit 12-milyon ang self-rated poor, habang mahigit sa 8-milyon naman ang sinasabing ‘food poo.’

Sa katotohanan aniya, mahigit sa 80% ng 101-million population sa bansa ay mahihirap at nakakaranas ng kasalatan sa pagkain.

Sa mga naghain ng COC, wala pang klaro na nagsabi na dapat ibaba ang presyo ng bigas at pagkain, pero may ilan ang nagsabi na dapat itaas ang sahod, ibaba ang presyo ng bilihin at ibasura ang TRAIN law.

Sinabi pa ni Flores, may mga basehan na raw ang voting public kung sino ang pipiliing kandidato o hindi sa darating na eleksyon. | ulat ni Rey Ferrer