Paglilinis ni Tourism Secretary Puyat sa DOT, suportado ng Pangulong Duterte

Suportado ng MalacaƱang ang utos ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na magbitiw na sa pwesto ang lahat ng undersecretary at assistant secretary ng ahensya hanggang ngayong araw.

Sa brieifng sa Palasyo kanina, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hawak ni Puyat ang buong tiwala at kumpiyansa ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Nais rin aniya ng Pangulo na ibigay sa bagong talagang kalihim ang pagkakataon na magkaroon ng bagong simula at malayang makapili ng sarili nitong mga tao sa ahensya.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Roque na ikinatutuwa ng Presidente ang ginagawa ngayon ni Secretary Puyat na paglilinis at pag-alis ng korapsyon sa Department of Tourism (DOT).

Matatandaang isa sa mga isyung unang nabungkal ni Puyat pagkaupo sa pwesto ay ang ovepricing diumano ng “Buhay Carinderia” program ng Tourism Promotions Board. | via Nimfa Mae Asuncion