Paglago ng produksyon sa bansa, nananatiling mabilis!

Nananatiling mabilis ang paglago ng produksyon sa bansa. Ayon sa Philippine Statistics Authority, lumobo sa 23.6 percent mula sa 8.3 percent ang Production Index ngayong Pebrero 2018 kumpara sa kaparehong buwan noong 2017.

Lumago rin sa 24.8 percent ang paggawa o Production Volume ngayong taon mula sa dating 9.8 percent ng kaparehong panahon noong isang taon.

Ang parehong paglaki ng produksyon ay maiiugnay sa printing sector.

Umaasa naman ang pamahalaan na mananatili sa paglago ang manufacturing sector sa bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte para mapaganda ang negosyo at dumami ang proyektong pang imprastraktura. | via Keith dela Cruz