Paglagda sa kasunduan para matiyak ang kapakanan ng mga OFW sa Kuwait, isasagawa na bukas

Tuloy na tuloy na ang paglagda sa memorandum of agreement o MOA sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Kuwait na may kaugnayan sa kapakanan ng mga OFW doon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ngayong gabi na darating sa bansang Kuwait sina DFA Secretary Alan Peter Cayetano at bagong talagang special envoy to Kuwait secretary Abdullah Mamao para tunghayan ang pagpirma sa kasunduan.

Kabilang aniya sa mga nilalaman ng lalagdaang kasunduan ang pagsang-ayon ng gobyerno ng kuwait na ideposito na lang sa embahada ng Pilipinas doon ang passport ng mga OFW imbes na kumpiskahin ito ng kanilang mga employer.

Maaari na rin aniyang magmay-ari at hawakan ng mga OFW ang kanilang mga cellphone para makatawag sa mga otoridad sakaling kailanganin nila ng tulong.

Ayon kay Roque, bukas ng hapon isasagawa ang pagpirma sa kasunduan at siya mismo ang maghahatid ng buong detalye nito pagkauwi niya ng Pilipinas. | via Nimfa Mae Asuncion