Pagkilala sa karapatang dumaan ng ibang bansa sa teritoryong sakop ng Pilipinas, pinalilinaw sa DFA

Lilinawin pa ng Departament of National Defense (DND) sa Departament of Foreign Affairs (DFA) ang magiging opisyal na posisyon ng bansa sa pagkakaroon ng right of innocent passage ng ibang mga bansa sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas.

Matatandaang sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang taong anibersaryo ng pagpapalit ng pangalan ng Philippine Rise ay sinabi nitong tila magkaiba ang pananaw ng Pilipinas at China sa pagkilala sa karapatan ng bawat isa sa pagdaan sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Paliwanag ni DND Undersecretary Cardozo Luna, ang DFA ang dapat maglinaw sa isyung ito dahil ito’y isang aspeto ng foreign relations.

Nakadepende lang rin aniya ang galaw ng Defense department sa utos ng punong ehekutibo lalo’t signatory ang Pilipinas sa mga international convention na dapat nating sundin.

Kabilang sa mga kasunduang pirmado ng Pilipinas ay ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). | via Nimfa Mae Asuncion